Roma 14:3-4
Ang Biblia (1978)
3 Ang kumakain ay huwag magwalang halaga sa hindi kumakain; at (A)ang hindi kumakain ay huwag humatol sa kumakain: sapagka't siya'y tinanggap ng Dios.
4 Sino kang humahatol sa alila ng iba? Sa kaniyang sariling panginoon ay natatayo siya o nabubuwal. Oo, patatayuin siya; sapagka't makapangyarihan ang Panginoon na siya'y maitayo.
Read full chapter
Roma 14:10
Ang Biblia (1978)
10 Datapuwa't ikaw, bakit humahatol ka sa iyong kapatid? at ikaw naman, bakit pinawalaang halaga mo ang iyong kapatid? (A)sapagka't tayong lahat ay tatayo sa harapan ng hukuman ng Dios.
Read full chapter
Roma 14:13
Ang Biblia (1978)
13 Huwag na nga tayong mangaghatulan pa sa isa't isa: kundi bagkus ihatol ninyo ito, na ang sinoman ay (A)huwag maglagay ng katitisuran sa daan ng kaniyang kapatid o kadahilanan ng ikararapa.
Read full chapter
1 Corinto 4:3
Ang Biblia (1978)
3 Datapuwa't sa ganang akin ay isang bagay na totoong maliit ang ako'y (A)siyasatin ninyo, o ng (B)pagsisiyasat ng tao: oo, ako'y hindi nagsisiyasat sa aking sarili.
Read full chapter
1 Corinto 4:5
Ang Biblia (1978)
5 Kaya nga (A)huwag muna kayong magsihatol ng anoman, hanggang sa dumating ang Panginoon, na siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag naman ang mga haka ng mga puso; at kung magkagayon ang bawa't isa ay magkakaroon ng kapurihan sa Dios.
Read full chapter
Santiago 4:11-12
Ang Biblia (1978)
11 (A)Huwag kayong mangagsalita ng laban sa isa't isa, mga kapatid. Ang nagsasalita laban sa kapatid, (B)o humahatol sa kaniyang kapatid, ay (C)nagsasalita laban sa kautusan, at humahatol sa kautusan: datapuwa't kung ikaw ay humahatol sa kautusan, hindi ka na tagatupad ng kautusan, kundi hukom.
12 Iisa ang tagapagbigay ng kautusan at hukom, sa makatuwid baga'y ang makapagliligtas at (D)makapagwawasak: datapuwa't (E)sino ka na humahatol sa iyong kapuwa?
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978