Roma 12:1
Ang Biblia (1978)
12 Kaya nga, mga kapatid, (A)ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na (B)inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buháy, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba.
Read full chapter
Roma 15:16
Ang Biblia (1978)
16 (A)Upang ako'y maging ministro ni Cristo Jesus sa mga Gentil, na nangangasiwa sa evangelio ng Dios, upang ang mga Gentil ay maging (B)kalugodlugod na handog, palibhasa'y pinapaging banal ng Espiritu Santo.
Read full chapter
Mga Hebreo 13:5
Ang Biblia (1978)
5 Mangilag kayo sa pagibig sa salapi; (A)mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik: sapagka't siya rin ang nagsabi, Sa anomang paraan ay (B)hindi kita papagkukulangin, sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan.
Read full chapter
Mga Hebreo 13:16
Ang Biblia (1978)
16 Datapuwa't ang paggawa ng mabuti at (A)ang pagabuloy ay huwag ninyong kalimutan: sapagka't (B)sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod.
Read full chapter
1 Pedro 2:9
Ang Biblia (1978)
9 Datapuwa't kayo'y (A)isang lahing hirang, isang makaharing (B)pagkasaserdote, (C)bansang banal, bayang pagaaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo (D)mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan:
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978