Nehemias 6:1-2
Ang Biblia (1978)
Ang panglilinlang ni Sanballat, Tobias, at Gesem.
6 Nangyari nga nang (A)maibalita kay Sanballat at kay Tobias, at kay Gesem na taga Arabia, at sa nalabi sa aming mga kaaway, na aking naitayo na ang kuta, at wala nang sirang naiiwan doon; (bagaman (B)hanggang sa panahong yaon ay hindi ko pa nailalagay ang mga pinto sa mga pintuang-bayan;)
2 Na si Sanballat at si Gesem ay nagsugo sa akin, na nagpapasabi, Ikaw ay parito, magkikita tayo sa isa ng mga nayon sa mga kapatagan ng (C)Ono. Nguni't pinagisipan nila akong gawan ng masama.
Read full chapter
Nehemias 6:6
Ang Biblia (1978)
6 Na kinasusulatan: Naibalita sa mga bansa, at sinasabi ni Gasmu (A)na ikaw at ang mga Judio ay nagaakalang manghimagsik; na siyang kadahilanan ng iyong pagtatayo ng kuta: at ikaw ay magiging kanilang hari ayon sa mga salitang ito.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978