Nehemias 13:15
Ang Biblia (1978)
Ang pagsuway sa sabbath ay natigil.
15 Nang mga araw na yaon ay nakita ko sa Juda ang ilang nagpipisa sa mga ubasan sa (A)sabbath, at nagdadala ng mga uhay, at nangasasakay sa mga asno; gaya naman ng alak, mga ubas, at mga higos, at lahat na sarisaring pasan, na kanilang (B)ipinapasok sa Jerusalem sa araw ng sabbath: at ako'y nagpatotoo laban sa kanila sa kaarawan na kanilang ipinagbibili ang mga pagkain.
Read full chapter
Nehemias 13:19
Ang Biblia (1978)
19 At nangyari, na nang ang pintuang-bayan ng Jerusalem ay magpasimulang magdilim (A)bago dumating ang sabbath, aking iniutos na ang mga pintuan ay sarhan, at iniutos ko na huwag nilang buksan hanggang sa makaraan ang sabbath: at ang ilan sa aking mga lingkod ay inilagay ko sa mga pintuang-bayan, upang walang maipasok na pasan sa araw ng sabbath.
Read full chapter
Juan 5:10
Ang Biblia (1978)
10 Kaya sinabi ng mga Judio sa kaniya na pinagaling, Ito'y araw ng sabbath, at (A)hindi matuwid na buhatin mo ang iyong higaan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978