Mga Gawa 7:23-24
Ang Biblia (1978)
23 Datapuwa't nang siya'y (A)magaapat na pung taong gulang na, ay tumugtog sa kaniyang puso na dalawin ang kaniyang mga kapatid na mga anak ni Israel.
24 At nang makita niya ang isa sa kanila na inaalipusta, ay kaniyang ipinagsanggalang siya, at ipinaghiganti ang pinipighati, at pinatay ang Egipcio:
Read full chapter
Mga Hebreo 11:24-26
Ang Biblia (1978)
24 Sa pananampalataya, nang lumaki na si (A)Moises, ay tumangging siya'y tawaging anak ng anak na babae ni Faraon;
25 Na pinili pa ang siya'y tampalasanin na kasama ng bayan ng Dios, kay sa magtamo ng nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala;
26 Na inaring malaking kayamanan (B)ang kadustaan ni Cristo, kay sa mga kayamanan ng Egipto: sapagka't ang kaniyang tinititigan ay (C)ang gantingpalang kabayaran.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978