Mga Gawa 18:4-11
Ang Biblia (1978)
4 At siya'y nangangatuwiran tuwing sabbath (A)sa sinagoga, at hinihikayat ang mga Judio at ang mga Griego.
5 Datapuwa't nang si Silas at si Timoteo ay (B)magsilusong mula sa (C)Macedonia, si Pablo ay napilitan sa pamamagitan ng salita, na sinasaksihan sa mga Judio na si (D)Jesus ang siyang Cristo.
6 At nang sila'y magsitutol at magsipamusong, (E)ay ipinagpag niya ang kaniyang kasuotan at sa kanila'y sinabi, Ang inyong dugo'y sumainyong sariling mga ulo: ako'y malinis: (F)buhat ngayo'y paparoon ako sa mga Gentil.
7 At siya'y umalis doon, at pumasok sa bahay ng isang lalaking nagngangalang Tito Justo, na (G)isang sumasamba sa Dios, na ang bahay niya'y karugtong ng sinagoga.
8 At si (H)Crispo, (I)ang pinuno sa sinagoga, ay nanampalataya sa Panginoon, pati ng buong sangbahayan niya; at marami sa mga taga Corinto na sa pakikinig ay nagsisampalataya, at pawang nangabautismuhan.
9 At sinabi (J)ng Panginoon kay Pablo nang gabi sa pangitain, Huwag kang matakot, kundi magsalita ka, at huwag kang tumahimik:
10 Sapagka't ako'y sumasaiyo, (K)at sinoma'y hindi ka madadaluhong upang saktan ka: sapagka't makapal ang mga tao ko sa bayang ito.
11 At siya'y tumahan doong isang taon at anim na buwan, na itinuturo sa kanila ang salita ng Dios.
Read full chapter
1 Corinto 4:15
Ang Biblia (1978)
15 Sapagka't bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay wala nga kayong maraming mga ama; sapagka't (A)kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio.
Read full chapter
1 Corinto 9:1
Ang Biblia (1978)
9 Hindi baga ako'y malaya? (A)hindi baga ako'y apostol? (B)hindi ko baga nakita si Jesus na Panginoon natin? (C)hindi baga kayo'y gawa ko sa Panginoon?
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978