Add parallel Print Page Options

Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, (A)Pagka ang sinomang lalake o babae ay gagawa ng isang tanging panata, ng panata ng isang Nazareo, upang tumalaga sa Panginoon:

Read full chapter

30 At nagpanata si Jephte ng isang (A)panata sa Panginoon, at nagsabi, Kung tunay na iyong ibibigay ang mga anak ni Ammon sa aking kamay,

31 Ay mangyayari nga, na sinomang lumabas na sumalubong sa akin sa mga pintuan ng aking bahay, pagbalik kong payapa na galing sa mga anak ni Ammon, ay (B)magiging sa Panginoon, (C)at aking ihahandog na pinakahandog na susunugin.

Read full chapter

39 At nangyari, sa katapusan ng dalawang buwan, na siya'y (A)nagbalik sa kaniyang ama, na ginawa sa kaniya ang ayon sa kaniyang panata na kaniyang ipinanata: at siya'y hindi nasipingan ng lalake. At naging kaugalian sa Israel,

Read full chapter

11 (A)At siya'y nanata ng isang panata, at nagsabi, Oh Panginoon ng mga hukbo, (B)kung tunay na iyong lilingunin ang pagkapighati ng iyong lingkod, at (C)aalalahanin mo at hindi mo kalilimutan ang iyong lingkod, kundi iyong pagkakalooban ang iyong lingkod ng anak na lalake, ay akin ngang ibibigay sa Panginoon sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay, at (D)walang pangahit na daraan sa kaniyang ulo.

Read full chapter

28 Kaya't aking ipinagkakaloob naman sa Panginoon habang siya'y nabubuhay ay ipinagkakaloob ko siya sa Panginoon. At siya ay sumamba sa Panginoon doon.

Read full chapter