Mga Bilang 20:10-11
Ang Biblia (1978)
10 At pinisan ni Moises at ni Aaron ang kapulungan sa harap ng bato, at kaniyang sinabi sa kanila, (A)Makinig kayo ngayon, mga mapanghimagsik, ikukuha ba namin kayo ng tubig sa batong ito?
11 At itinaas ni Moises ang kaniyang kamay, at pinalong makalawa ang bato ng kaniyang tungkod: at ang tubig ay (B)lumabas na sagana, at ang kapisanan ay uminom at ang kanilang mga hayop.
Read full chapter
Mga Awit 78:15
Ang Biblia (1978)
15 (A)Kaniyang pinuwangan ang mga bato sa ilang,
At pinainom niya sila ng sagana na gaya ng mula sa mga kalaliman.
Mga Awit 78:20
Ang Biblia (1978)
20 (A)Narito, kaniyang pinalo ang bato, na ang mga tubig ay bumubuluwak,
At mga bukal ay nagsisiapaw;
Makapagbibigay ba siya ng tinapay naman?
Ipaghahanda ba niya ng karne ang kaniyang bayan?
1 Corinto 10:4
Ang Biblia (1978)
4 At (A)lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding ayon sa espiritu; sapagka't nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumunod sa kanila: at ang batong yaon ay si Cristo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978