Mga Bilang 14:33
Ang Biblia (1978)
33 At ang inyong mga anak ay magiging gala sa ilang na (A)apat na pung taon, at kanilang (B)tataglayin ang inyong pakikiapid, hanggang sa ang inyong mga bangkay ay matunaw sa ilang.
Read full chapter
Deuteronomio 1:3
Ang Biblia (1978)
3 At nangyari nang (A)ikaapat na pung taon, nang ikalabing isang buwan, nang unang araw ng buwan, na nagsalita si Moises sa mga anak ni Israel, tungkol sa lahat na ibinigay sa kaniyang utos ng Panginoon sa kanila;
Read full chapter
Deuteronomio 2:7
Ang Biblia (1978)
7 Sapagka't pinagpala ka ng Panginoon mong Dios, sa lahat ng gawa ng iyong kamay; kaniyang natalastas ang iyong paglalakbay dito sa malawak na ilang; sa loob nitong apat na pung taon ay sumaiyo ang Panginoon mong Dios; ikaw ay di kinulang ng anoman.
Read full chapter
Deuteronomio 2:14
Ang Biblia (1978)
14 At ang mga araw na ating ipinaglakad mula sa Cades-barnea hanggang sa tayo'y nakarating sa batis ng Zered, ay tatlong pu't walong taon, (A)hanggang sa ang buong lahi ng mga lalaking mangdidigma ay nalipol sa gitna ng kampamento, gaya ng isinumpa sa kanila ng Panginoon.
Read full chapter
Mga Awit 95:10
Ang Biblia (1978)
10 Apat na pung taong namanglaw ako sa lahing yaon,
At aking sinabi, Bayan na nagkakamali sa kanilang puso.
At hindi naalaman ang aking mga daan:
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978