Mga Awit 77:17-18
Ang Biblia (1978)
17 Ang mga alapaap ay nangaglagpak ng tubig;
(A)Ang langit ay humugong:
Ang mga (B)pana mo naman ay nagsihilagpos.
18 Ang (C)tinig ng iyong kulog, ay nasa ipoipo;
Tinanglawan (D)ng mga kidlat ang sanglibutan:
Ang lupa ay nayanig at umuga.
Mga Hebreo 12:18-19
Ang Biblia (1978)
18 Sapagka't hindi kayo nagsilapit (A)sa bundok na nahihipo, at nagliliyab sa apoy, at sa kapusikitan, at sa kadiliman, at sa unos,
19 At (B)tunog ng pakakak, at tinig ng mga salita; na ang nakarinig ng tinig na ito ay (C)nagsipamanhik na huwag nang sa kanila'y salitain pa ang anomang salita;
Read full chapter
Apocalipsis 4:5
Ang Biblia (1978)
5 At mula sa luklukan ay may lumalabas na (A)kidlat, at mga tinig at mga kulog. (B)At may pitong ilawang apoy na mga nagliliyab sa harapan ng luklukan, na (C)siyang pitong Espiritu ng Dios;
Read full chapter
Apocalipsis 8:5
Ang Biblia (1978)
5 At kinuha ng anghel ang pangsuob ng kamangyan; at (A)pinuno niya ng apoy ng dambana, at itinapon sa lupa: at nagkaroon ng mga kulog, at mga (B)tinig, at mga kidlat, at ng isang lindol.
Read full chapter
Apocalipsis 11:19
Ang Biblia (1978)
19 At nabuksan (A)ang templo ng Dios na nasa langit: at nakita sa kaniyang templo (B)ang kaban ng kaniyang tipan; at nagkaroon ng mga (C)kidlat, at mga tinig, at mga kulog, at isang lindol, at malaking granizo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978