Mga Awit 115:4
Ang Biblia (1978)
Mga Awit 115:7
Ang Biblia (1978)
7 Mayroon silang mga kamay, nguni't hindi sila nangakatatangan;
Mga paa ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakalalakad;
Ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.
Mga Awit 135:15-17
Ang Biblia (1978)
15 (A)Ang mga diosdiosan ng mga bansa ay pilak at ginto,
Na gawa ng mga kamay ng mga tao.
16 Sila'y may mga bibig, nguni't hindi sila nangagsasalita;
Mga mata ay mayroon sila, ngunit hindi sila nangakakakita;
17 Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig;
At wala mang anomang hinga sa kanilang mga bibig.
Isaias 44:9
Ang Biblia (1978)
Inilarawan ang kahangalan ng idolatria.
9 (A)Silang nangagbibigay anyo sa larawang inanyuan ay walang kabuluhan silang lahat; at ang kanilang mga bagay na kinaluluguran ay hindi mapapakinabangan: at ang kanilang sariling mga saksi ay (B)hindi nangakakakita, o nangakakaalam man: upang sila'y mangapahiya.
Read full chapter
Isaias 46:7
Ang Biblia (1978)
7 Pinapasan nila siya sa balikat, (A)dinadala nila siya, at inilalagay siya sa kaniyang dako, at siya'y nakatayo; mula sa kaniyang dako ay hindi siya makikilos: (B)oo, may dadaing sa kaniya, gayon ma'y hindi siya makasasagot, o makapagliligtas man sa kaniya sa kaniyang kabagabagan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978