Add parallel Print Page Options

24 At (A)pagdating nila sa Capernaum, ay nangagsilapit kay Pedro ang mga maniningil ng kalahating siklo, at nangagsabi, Hindi baga (B)pinagbabayaran ng inyong guro ang kalahating siklo?

Read full chapter

18 Nang oras na (A)yaon ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nangagsasabi, Sino nga baga ang pinakadakila sa kaharian ng langit?

At pinalapit niya sa kaniya ang isang maliit na bata, at inilagay sa gitna nila,

At sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang (B)kayo'y magsipanumbalik, at (C)maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.

Sinoman ngang magpakababa na gaya ng maliit na batang ito, ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.

At (D)sinomang tumanggap sa isa sa ganitong maliit na bata sa aking pangalan ay ako ang tinanggap:

Read full chapter

46 At (A)nagkaroon ng isang pagmamatuwiran sa gitna nila kung sino kaya sa kanila ang pinakadakila.

47 Datapuwa't pagkaunawa ni Jesus sa pangangatuwiran ng kanilang puso, ay kumuha siya ng isang maliit na bata, at inilagay sa kaniyang siping,

48 At sinabi sa kanila, (B)Ang sinomang tumanggap sa maliit na batang ito sa pangalan ko, ay ako ang tinatanggap: at ang sinomang tumanggap sa akin, ay tinatanggap ang nagsugo sa akin: (C)sapagka't ang pinaka maliit sa inyong lahat, ay siyang dakila.

Read full chapter