Mateo 16:18
Ang Biblia (1978)
18 At sinasabi ko naman sa iyo, na (A)ikaw ay Pedro, at (B)sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at (C)ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.
Read full chapter
1 Corinto 5:4-5
Ang Biblia (1978)
4 Sa pangalan ng ating Panginoong Jesus, nang nangagkakatipon kayo, at ang aking espiritu, (A)na taglay ang kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus,
5 Upang ang ganyan ay ibigay (B)kay Satanas sa ikawawasak ng kaniyang laman, upang ang espiritu ay maligtas sa (C)araw ng Panginoong Jesus.
Read full chapter
1 Corinto 6:1-6
Ang Biblia (1978)
6 Nangangahas baga ang sinoman sa inyo, kung mayroong anomang bagay laban sa iba, na siya'y magsakdal sa harapan ng mga liko, at (A)hindi sa harapan ng mga banal?
2 O hindi baga ninyo nalalaman na (B)ang mga banal ay magsisihatol sa sanglibutan? at kung ang sanglibutan ay hahatulan ninyo, hindi kaya baga dapat magsihatol kayo sa mga bagay na pinakamaliit?
3 Hindi baga ninyo nalalaman na ating (C)hahatulan ang mga anghel? gaano pa kaya ang mga bagay na nauukol (D)sa buhay na ito?
4 Kung kayo nga'y mayroong usapin na mga bagay na nauukol sa buhay na ito, ilalagay baga ninyo upang magsihatol ang mga taong walang halaga sa iglesia?
5 Sinasabi ko ito (E)upang mangahiya kayo. Ano, diyata't wala baga sa inyo na isa mang marunong na makapagpapayo sa kaniyang mga kapatid,
6 Kundi ang kapatid ay nakikipagusapin laban sa kapatid, at ito'y sa harapan ng mga hindi nagsisipanampalataya?
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978