Add parallel Print Page Options

50 Mabuti ang asin, pero kung mawalan ng lasa,[a] wala nang magagawa upang ibalik ang lasa nito. Dapat maging tulad kayo sa asin na nakakatulong sa tao. Tulungan ninyo ang isaʼt isa upang maging mapayapa ang pagsasamahan ninyo.”[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:50 mawalan ng lasa: o, sumama ang lasa.
  2. 9:50 Dapat … pagsasamahan: sa literal, Magkaroon kayo ng asin sa sarili at maging mapayapa kayo sa isaʼt isa.

Ang Aral Mula sa Asin(A)

34 “Mabuti ang asin, pero kung mag-iba ang lasa,[a] wala nang magagawa para maibalik ang lasa nito. 35 Wala na itong pakinabang kahit ihalo sa dumi para maging pataba sa lupa, kaya itinatapon na lang ito ng mga tao. Kayong mga nakikinig, dapat ninyo itong unawain!”

Read full chapter

Footnotes

  1. 14:34 mag-iba ang lasa: o, mawalan ng lasa.