Levitico 19:15
Ang Biblia (1978)
15 Huwag kayong gagawa ng kalikuan sa paghatol: huwag kayong magtatangi ng pagkatao ng dukha, ni huwag ninyong pararangalan ang pagkatao ng makapangyarihan: kundi hahatulan ninyo ng katuwiran ang inyong kapuwa.
Read full chapter
Deuteronomio 1:17
Ang Biblia (1978)
17 (A)Huwag kayong magtatangi ng tao sa kahatulan; inyong didinggin ang maliliit, na gaya ng malaki: huwag kayong matatakot sa mukha ng tao; sapagka't ang (B)kahatulan ay sa Dios: at ang usap na napakahirap sa inyo, (C)ay inyong dadalhin sa akin, at aking didinggin.
Read full chapter
Deuteronomio 16:19
Ang Biblia (1978)
19 (A)Huwag kang magliliko ng paghatol; (B)huwag kang tatangi ng mga pagkatao: (C)ni kukuha ng suhol; sapagka't ang suhol ay bumubulag ng mga mata ng marunong, at nagliliko ng mga salita ng matuwid.
Read full chapter
Mga Kawikaan 28:21
Ang Biblia (1978)
21 (A)Magkaroon ng pagtatangi sa mga pagkatao ay hindi mabuti:
Ni hindi man sasalangsang ang tao (B)dahil sa isang putol na tinapay.
Mateo 22:16
Ang Biblia (1978)
16 At sinugo nila sa kaniya ang kanilang mga alagad, na kasama ng mga (A)Herodiano, na nagsisipagsabi, Guro, nalalaman naming ikaw ay totoo, at itinuturo mong may katotohanan ang daan ng Dios, at hindi ka nangingimi kanino man: sapagka't hindi ka nagtatangi ng tao.
Read full chapter
Juan 7:24
Ang Biblia (1978)
24 Huwag kayong magsihatol ayon sa anyo, kundi magsihatol kayo ng matuwid na paghatol.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978