Juan 11:52
Ang Biblia (1978)
52 At (A)hindi dahil sa bansa lamang, (B)kundi upang matipon din naman niya sa isa ang mga anak ng Dios na nagsisipangalat.
Read full chapter
Efeso 2:14-17
Ang Biblia (1978)
14 Sapagka't siya ang ating kapayapaan, (A)na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay,
15 Na inalis (B)ang pagkakaalit (C)sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang (D)taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan;
16 At (E)upang papagkasunduin silang dalawa sa (F)isang katawan sa Dios sa pamamagitan ng krus, (G)na sa kaniya'y pinatay ang pagkakaalit.
17 At siya'y naparito (H)at ipinangaral ang kapayapaan sa inyong nalalayo, at ang kapayapaan sa nangalalapit:
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978