Add parallel Print Page Options

14 Ngayon nga ay matakot kayo sa Panginoon, at paglingkuran ninyo siya sa pagtatapat at sa katotohanan: at inyong (A)alisin ang mga dios na mga pinaglingkuran ng inyong mga magulang sa dako roon ng Ilog at (B)sa Egipto; at inyong paglingkuran ang Panginoon.

15 At kung inaakala ninyong masama na maglingkod sa Panginoon, ay (C)piliin ninyo sa araw na ito kung sino ang inyong paglilingkuran; kung ang mga dios ng inyong mga magulang na pinaglingkuran sa dako roon ng Ilog, o ang (D)dios ng mga Amorrheo na ang lupain nila ay inyong tinatahanan: (E)nguni't sa ganang akin at ng aking sangbahayan ay maglilingkod kami sa Panginoon.

Read full chapter

26 At nabuhay si Thare ng pitong pung taon, (A)at naging anak si Abram, si Nachor at si Haran.

Read full chapter

31 At ipinagsama ni Thare si (A)Abram na kaniyang anak, at si Lot na anak ni Haran, na anak ng kaniyang anak, at si Sarai na kaniyang manugang, asawa ni Abram na kaniyang anak; (B)at samasamang nagsialis sa Ur ng mga Caldeo upang magsipasok sa lupain ng Canaan, at nagsidating sila sa Haran, at nagsitahan doon.

Read full chapter