Josue 18:1
Ang Biblia (1978)
Ang natitirang mga lupain ay binahagi.
18 At ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel ay nagpupulong sa (A)Silo, (B)at itinayo ang tabernakulo ng kapisanan doon: at ang lupain ay sumuko sa harap nila.
Read full chapter
Mga Hukom 19:18
Ang Biblia (1978)
18 At sinabi niya sa kaniya, Kami ay nagdadaang mula sa Beth-lehem-juda na patungo sa malayong dako ng lupaing maburol ng Ephraim; tagaroon ako at ako'y naparon sa Beth-lehem-juda: at ako'y pasasabahay[a] ng Panginoon; at walang taong magpatuloy sa akin.
Read full chapterFootnotes
- Mga Hukom 19:18 Huk. 18:31.
Mga Hukom 20:18
Ang Biblia (1978)
18 At bumangon ang mga anak ni Israel, at (A)nagsiahon sa Beth-el upang (B)sumangguni sa Dios; at kanilang sinabi, Sino ang unang aahon sa amin upang makibaka laban sa mga anak ni Benjamin? At sinabi ng Panginoon, Ang Juda ang unang aahon.
Read full chapter
Mga Hukom 20:26
Ang Biblia (1978)
26 Nang magkagayo'y nagsiahon ang lahat ng mga anak ni Israel, at ang buong bayan, at nagsiparoon sa Bethel, at nagsiiyak, at nagsiupo roon sa harap ng Panginoon, at nagsipagayuno nang araw na yaon hanggang sa kinahapunan; at sila'y naghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Panginoon.
Read full chapter
Mga Hukom 21:2
Ang Biblia (1978)
2 At (A)ang bayan ay naparoon sa Beth-el at umupo roon hanggang sa kinahapunan sa harap ng Dios, at inilakas ang kanilang mga tinig, at tumangis na mainam.
Read full chapter
Mga Hukom 21:19
Ang Biblia (1978)
19 At kanilang sinabi, Narito, may isang kasayahan sa Panginoon sa taon-taon sa Silo, na nasa hilagaan ng (A)Beth-el sa dakong silanganan ng lansangan na paahon sa Sichem mula sa Beth-el, at sa timugan ng Lebona.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978