Job 34:21
Ang Biblia (1978)
21 (A)Sapagka't ang kaniyang mga mata ay nangasa lakad ng tao,
At nakikita niya ang lahat niyang pagyaon.
Mga Kawikaan 5:21
Ang Biblia (1978)
21 Sapagka't ang mga lakad ng tao ay nasa (A)harap ng mga mata ng Panginoon,
At kaniyang pinapatag ang lahat niyang mga landas.
Jeremias 16:17
Ang Biblia (1978)
17 Sapagka't ang aking mga mata ay nangasa lahat ng kanilang lakad, sila'y hindi nangakukubli sa aking mukha, o nangalilingid man ang kanilang kasamaan sa harap ng aking mga mata.
Read full chapter
Jeremias 32:19
Ang Biblia (1978)
19 (A)Dakila sa payo at makapangyarihan sa gawa; na ang mga mata ay dilat sa lahat ng mga lakad ng mga anak ng tao, upang bigyan ang bawa't isa ng ayon sa kaniyang mga lakad, at ayon sa bunga ng kaniyang mga gawa,
Read full chapter
Mga Hebreo 4:13
Ang Biblia (1978)
13 At walang anomang nilalang na hindi nahahayag sa kaniyang paningin: nguni't ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa harapan ng mga mata niyaong ating pagsusulitan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978