Add parallel Print Page Options

11 Bakit hindi pa ako (A)namatay mula sa bahay-bata?
Bakit di pa napatid ang aking hininga nang ipanganak ako ng aking ina?
12 (B)Bakit tinanggap ako ng mga tuhod?
O bakit ng mga suso, na aking sususuhin?
13 Sapagka't ngayon ay nahihiga sana ako at natatahimik;
Ako sana'y nakakatulog; na napapahinga ako:
14 Na kasama ng mga hari at ng mga kasangguni sa lupa,
Na nagsisigawa ng mga dakong ilang sa ganang kanila;
15 O ng mga pangulo na nangagkaroon ng ginto,
Na pumuno sa kanilang bahay ng pilak:
16 (C)O gaya sana ng nalagas na nakatago, na hindi nabuhay;
Gaya sana ng sanggol na kailan man ay hindi nakakita ng liwanag.
17 Doo'y naglilikat ang masama sa pagbagabag;
At doo'y nagpapahinga ang pagod.
18 Doo'y ang mga bihag ay nangagpapahingang magkakasama;
Hindi nila naririnig ang tinig ng nagpapaatag.
19 Ang mababa at ang mataas ay nangaroon;
At ang alipin ay laya sa kaniyang panginoon.
20 Bakit binibigyan ng liwanag ang nasa karalitaan,
At ng buhay ang kaluluwang nasa (D)kahirapan;
21 Na naghihintay (E)ng kamatayan, nguni't hindi dumarating;
At hinahangad ng higit kaysa mga kayamanang nakatago;
22 Na nagagalak ng di kawasa,
At nangasasayahan, pagka nasumpungan ang libingan?

Read full chapter