Jeremias 25:21
Ang Biblia (1978)
21 Ang (A)Edom, (B)at ang Moab, at ang mga anak ni (C)Ammon;
Read full chapter
Mga Panaghoy 4:21
Ang Biblia (1978)
21 Ikaw ay magalak at matuwa. Oh anak na babae ng Edom, na tumatahan sa lupain ng (A)Uz:
Ang saro ay darating (B)din sa iyo; ikaw ay malalango, at magpapakahubad.
Ezekiel 25:12-14
Ang Biblia (1978)
12 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't ang (A)Edom ay gumawa ng laban sa sangbahayan ni Juda sa panghihiganti, at nagalit na mainam, at nanghiganti sa kanila;
13 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Aking iuunat ang aking kamay laban sa Edom, at aking ihihiwalay ang tao at hayop doon; at aking gagawing sira (B)mula sa Teman; hanggang sa (C)Dedan nga ay mabubuwal sila sa pamamagitan ng tabak.
14 At (D)aking isasagawa ang aking panghihiganti sa Edom, sa pamamagitan ng kamay ng aking bayang Israel; at kanilang gagawin sa Edom ang ayon sa aking galit, at ayon sa aking kapusukan; at kanilang malalaman ang aking panghihiganti, sabi ng Panginoong Dios.
Read full chapter
Amos 1:11
Ang Biblia (1978)
11 Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng (A)Edom, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't hinabol niya ng (B)tabak ang kaniyang kapatid, at ipinagkait ang buong habag, at ang kaniyang galit ay laging nanglilipol, at taglay niya ang kaniyang poot magpakailan man.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978