Isaias 40:11
Ang Biblia (1978)
11 Kaniyang (A)papastulin ang kaniyang kawan, na gaya ng pastor, kaniyang pipisanin ang mga kordero sa kaniyang kamay, at dadalhin sila sa kaniyang sinapupunan, at papatnubayan na marahan yaong mga nagpapasuso.
Read full chapter
Jeremias 23:4
Ang Biblia (1978)
4 At ako'y maglalagay ng mga (A)pastor sa kanila na kakandili sa kanila; at hindi na sila matatakot, o manglulupaypay pa, o kukulangin ang sinoman sa kanila, sabi ng Panginoon.
Read full chapter
Ezekiel 34:21
Ang Biblia (1978)
21 Sapagka't inyong itinulak ng tagiliran at ng balikat, at inyong sinuwag ng inyong mga sungay ang lahat na may sakit, hanggang sa inyong napangalat sila;
Read full chapter
Juan 10:11
Ang Biblia (1978)
11 Ako ang mabuting pastor: (A)ibinibigay ng mabuting pastor ang kaniyang buhay dahil sa mga tupa.
Read full chapter
1 Pedro 2:25
Ang Biblia (1978)
25 Sapagka't (A)kayo'y gaya ng mga tupang nangaliligaw; datapuwa't ngayon ay nangabalik kayo sa (B)Pastor at Obispo ng inyong mga kaluluwa.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978