Isaias 30:1-2
Ang Biblia (1978)
Ang kawalang kabuluhan ng pagtitiwala sa Egipto.
30 Sa aba ng mga mapanghimagsik na mga anak, sabi ng Panginoon, (A)na nagsisisangguni, nguni't hindi sa akin; (B)at nangagaalay ng alay, nguni't hindi sa aking Espiritu, (C)upang makapagdagdag ng kasalanan sa kasalanan;
2 Ang nagsisilakad (D)na nagsisilusong sa Egipto, at (E)hindi nangagtanong sa aking bibig; upang mangagpakalakas sa lakas ni Faraon, at magsitiwala sa lilim ng Egipto!
Read full chapter
Isaias 31:1
Ang Biblia (1978)
Hindi ang Egipto, kundi ang Panginoon ang makatutulong.
31 Sa aba nila na (A)nagsisilusong sa Egipto na humihinging tulong, at (B)nagsisiasa sa mga kabayo; at nagsisitiwala sa mga karo, sapagka't marami, at sa mga mangangabayo, sapagka't mga totoong napakalakas; nguni't hindi sila nagsisitiwala sa Banal ng Israel, o hinahanap man ang Panginoon!
Read full chapter
Isaias 36:6
Ang Biblia (1978)
6 Narito, ikaw ay tumitiwala sa tungkod na ito (A)na tambong lapok, sa makatuwid baga'y sa Egipto, na kung ang sinoman ay sumandal, ay bubutas sa kaniyang kamay, at tatasakan: nagiging (B)gayon si Faraong hari sa Egipto sa lahat na nagsisitiwala sa kaniya.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978