Isaias 2:2
Ang Biblia (1978)
2 At (A)mangyayari (B)sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; (C)at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon.
Read full chapter
Isaias 11:10
Ang Biblia (1978)
10 At (A)mangyayari, sa araw na yaon na ang angkan ni Isai, na tumatayong (B)pinakawatawat ng mga bayan, hahanapin ng mga bansa; at ang kaniyang (C)pahingahang dako ay magiging maluwalhati.
Read full chapter
Isaias 49:6
Ang Biblia (1978)
6 Oo, kaniyang sinasabi, Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ng Jacob, at isauli ang iningatan ng Israel, ikaw ay aking ibibigay na (A)pinakailaw sa mga Gentil upang ikaw ay maging aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa.
Read full chapter
Isaias 55:4-5
Ang Biblia (1978)
4 Narito, ibinigay ko siya na (A)pinakasaksi sa mga bayan, na patnubay at tagapagutos sa mga bayan.
5 Narito, ikaw ay tatawag ng bansa (B)na hindi mo nakikilala; at bansa na hindi ka nakikilala ay tatakbo sa iyo, dahil sa Panginoon mong Dios, at dahil sa Banal ng Israel; (C)sapagka't kaniyang niluwalhati ka.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978