Isaias 11:6-9
Ang Biblia (1978)
6 At ang lobo ay tatahang (A)kasama ng kordero, at ang leopardo ay mahihigang kasiping ng batang kambing; at ang guya, at ang batang leon, at ang patabain na magkakasama; at papatnubayan sila ng munting bata.
7 At ang baka at ang oso ay manginginain; ang kanilang mga anak ay mahihigang magkakasiping: at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka.
8 At ang batang pasusuhin ay maglalaro sa lungga ng ahas, at isusuot ng batang kahihiwalay sa suso ang kaniyang kamay sa lungga ng ulupong.
9 Hindi sila magsisipanakit (B)o magsisipanira man sa aking buong banal na bundok: sapagka't (C)ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng Panginoon, gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.
Read full chapter
Ezekiel 34:25
Ang Biblia (1978)
Ang tipan ng kapayapaan.
25 At (A)ako'y makikipagtipan sa kanila ng tipan ng kapayapaan, at (B)aking papawiin ang mga masamang hayop sa lupain; at (C)sila'y magsisitahang tiwasay sa ilang, at mangatutulog sa mga gubat.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978