Genesis 6:6
Ang Biblia (1978)
6 (A)At nagsisi ang Panginoon na kaniyang nilalang ang tao sa lupa, (B)at nalumbay sa kaniyang puso.
Read full chapter
1 Samuel 15:11
Ang Biblia (1978)
11 (A)Ikinalulungkot ko na aking inilagay na hari si Saul; sapagka't siya'y tumalikod na hindi sumunod sa akin, at hindi tinupad ang aking mga utos. At si Samuel ay nagalit, at siya'y dumaing sa Panginoon buong gabi.
Read full chapter
Joel 2:13-14
Ang Biblia (1978)
13 At (A)papagdalamhatiin ninyo ang inyong puso, at hindi ang mga damit ang inyong hapakin, at kayo'y magsipanumbalik sa Panginoon ninyong Dios; (B)sapagka't siya'y maawain at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi siya sa kasamaan.
14 Sinong nakakaalam kung siya'y hindi magbabalik-loob, (C)at magsisisi, at magiiwan ng isang (D)pagpapala sa likuran niya, (E)ng handog na harina, at ng inuming handog sa Panginoon ninyong Dios?
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978