Add parallel Print Page Options

(A)At aking papagmamatigasin ang puso ni Faraon, at kaniyang hahabulin sila (B)at kayo'y magiimbot ng karangalan kay Faraon, at sa lahat niyang hukbo; at (C)malalaman ng mga Egipcio, na ako ang Panginoon. At kanilang ginawang gayon.

At nasabi sa hari sa Egipto, na ang bayan ay tumakas: at ang puso ni Faraon at ng kaniyang mga lingkod ay nagbago tungkol sa bayan, at kanilang sinabi, Ano itong ating ginawa, na ating pinayaon ang Israel, upang huwag na tayong mapaglingkuran?

At inihanda ni Faraon ang kaniyang karro, at kaniyang ipinagsama ang kaniyang bayan:

At siya'y nagdala ng (D)anim na raang piling karro, at lahat ng mga karro sa Egipto, at ng mga kapitan na namumuno sa lahat ng mga yaon.

At pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon na hari sa Egipto, at hinabol niya ang mga anak ni Israel, (E)sapagka't ang mga anak ni Israel ay nagsialis na may lubos na pagkakatiwala.

(F)At hinabol sila ng mga Egipcio, ng lahat ng mga kabayo at ng karro ni Faraon, at ng kaniyang mga taong mangangabayo, at ng kaniyang hukbo, at inabutan sila noong nakahantong sa tabi ng dagat, na nasa siping ng Pi-hahirot, sa tapat ng Baal-zefon.

Read full chapter

25 At inalisan ng gulong ang kanilang mga karro, na kanilang hinila ng buong hirap: na ano pa't sinabi ng mga Egipcio, Tumakas tayo sa harap ng Israel: (A)sapagka't ipinakikipaglaban sila ng Panginoon sa mga Egipcio.

Read full chapter