Add parallel Print Page Options

Ang Israel ay pinaalalahanang sundin ang kautusan ng Panginoon.

At ngayon, Oh Israel, dinggin mo (A)ang mga palatuntunan at ang mga kahatulan, na aking itinuturo sa inyo, upang sundin ninyo; upang kayo'y mabuhay, at pumasok, at inyong ariin ang lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang.

Read full chapter

32 Inyo ngang isagawa na gaya ng iniutos sa inyo ng Panginoon ninyong Dios: huwag kayong liliko sa kanan o sa kaliwa.

33 (A)Kayo'y lalakad ng buong lakad na iniutos sa inyo ng Panginoon ninyong Dios, (B)upang kayo'y mabuhay, at upang ikabuti ninyo, at upang inyong mapalawig ang inyong mga araw sa lupain na inyong aariin.

Ang Israel ay pinaalalahanan upang maging tapat sa Panginoon.

Ito nga (C)ang utos, ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na iniutos ng Panginoon ninyong Dios na ituro sa inyo, upang inyong magawa sa lupaing inyong paroroonan upang ariin:

Dinggin mo nga, Oh Israel, at iyong isagawa upang ikabuti mo, at upang kayo'y dumaming maigi, na (A)gaya ng ipinangako sa iyo ng Panginoon, ng Dios ng iyong mga magulang, sa (B)lupaing binubukalan ng gatas at pulot.

Read full chapter