Deuteronomio 31:6-7
Ang Biblia (1978)
6 (A)Kayo'y magpakalakas at magpakatapang, huwag kayong (B)matakot, ni mangilabot sa kanila; sapagka't ang Panginoon mong Dios (C)ay siyang yumayaong kasama mo; (D)hindi ka niya iiwan ni pababayaan ka niya.
7 At tinawag ni Moises si Josue at sinabi sa kaniya sa paningin ng buong Israel, Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang: sapagka't ikaw ay yayaong kasama ng bayang ito sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila; at iyong ipamamana sa kanila.
Read full chapter
Deuteronomio 31:23
Ang Biblia (1978)
23 (A)At kaniyang pinagbilinan si Josue na anak ni Nun, at sinabi, (B)Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang: sapagka't iyong ipapasok ang mga anak ni Israel sa lupain na isinumpa ko sa kanila; at ako'y sasa iyo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978