Deuteronomio 31:6-7
Ang Biblia (1978)
6 (A)Kayo'y magpakalakas at magpakatapang, huwag kayong (B)matakot, ni mangilabot sa kanila; sapagka't ang Panginoon mong Dios (C)ay siyang yumayaong kasama mo; (D)hindi ka niya iiwan ni pababayaan ka niya.
7 At tinawag ni Moises si Josue at sinabi sa kaniya sa paningin ng buong Israel, Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang: sapagka't ikaw ay yayaong kasama ng bayang ito sa lupain na isinumpa ng Panginoon sa kanilang mga magulang na ibibigay sa kanila; at iyong ipamamana sa kanila.
Read full chapter
1 Cronica 28:20
Ang Biblia (1978)
Ang katapusang bilin.
20 At sinabi ni David kay Salomon na kaniyang anak, Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang, at gawin mo: huwag kang matakot, o manglupaypay man; sapagka't ang Panginoong Dios, na aking Dios, ay (A)sumasaiyo; hindi ka niya iiwan, o pababayaan man, hanggang sa ang lahat na gawain sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon ay matapos.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978