Deuteronomio 28:37
Ang Biblia (1978)
37 (A)At ikaw ay magiging isang kamanghaan, isang kawikaan, at isang (B)kabiruan sa lahat ng bayang pagdadalhan sa iyo ng Panginoon.
Read full chapter
Jeremias 24:9
Ang Biblia (1978)
9 Akin silang pababayaan (A)upang mapahapay na paroo't parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa sa ikasasama; upang maging kakutyaan at kawikaan, kabiruan at sumpa, sa lahat ng dakong aking pagtatabuyan sa kanila.
Read full chapter
Jeremias 29:18
Ang Biblia (1978)
18 At aking hahabulin sila ng tabak, at kagutom, at ng salot, at (A)aking ibibigay sila sa kakutyaan na paroo't parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa, (B)upang maging kasumpaan, at katigilan, at kasutsutan, at katuyaan, sa gitna ng lahat na bansa na aking pinagtabuyan sa kanila;
Read full chapter
Jeremias 29:22
Ang Biblia (1978)
22 At sa kanila kukuha ng (A)kasumpaan sa lahat ng bihag (B)sa Juda na nangasa Babilonia, na magsasabi, Gawin ka ng Panginoon na gaya ni Sedechias at gaya ni Achab, na (C)iniihaw sa apoy ng hari sa Babilonia.
Read full chapter
Jeremias 42:18
Ang Biblia (1978)
18 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel: Kung paanong ang aking galit at ang aking kapusukan ay nabugso sa mga nananahan sa Jerusalem, gayon mabubugso ang aking kapusukan sa inyo, pagka kayo'y pumasok sa Egipto: at kayo'y magiging katungayawan, at katigilan, at kasumpaan, at kadustaan: at hindi na ninyo makikita ang dakong ito.
Read full chapter
Jeremias 44:12
Ang Biblia (1978)
12 At aking kukunin ang nalabi sa Juda na nagtitig ng kanilang mga mukha na pumasok sa lupain ng Egipto upang mangibang bayan doon, at silang lahat ay mangalipol; (A)sa lupain ng Egipto ay mangabubuwal sila; sila'y lilipulin ng tabak, at ng kagutom; sila'y mangamamatay mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan sa pamamagitan ng tabak at ng kagutom; (B)at sila'y magiging katungayawan, at katigilan, at kasumpaan, at kadustaan.
Read full chapter
Zacarias 8:13
Ang Biblia (1978)
13 At mangyayari, na kung paanong kayo'y (A)naging isang sumpa sa gitna ng mga bansa, Oh sangbahayan ni Juda, at sangbahayan ni Israel, gayon ko kayo ililigtas, at kayo'y (B)magiging isang kapalaran. Huwag kayong mangatakot, kundi inyong palakasin ang inyong mga kamay.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978