Deuteronomio 14:2
Ang Biblia (1978)
2 (A)Sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios, at ikaw ay pinili ng Panginoon (B)upang maging bayan sa kaniyang sariling pagaari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa.
Read full chapter
Deuteronomio 14:21
Ang Biblia (1978)
21 (A)Huwag kayong kakain ng anomang bagay na namatay sa sarili: iyong maibibigay sa taga ibang bayang (B)nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, upang kaniyang kanin; o iyong maipagbibili sa taga ibang bayan: sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios. (C)Huwag mong lulutuin ang guyang kambing sa gatas ng kaniyang ina.
Read full chapter
Deuteronomio 26:18
Ang Biblia (1978)
18 At inihayag ka ng (A)Panginoon sa araw na ito, na maging isang bayan sa kaniyang sariling pagaari, gaya ng ipinangako niya sa iyo, upang iyong ganapin ang lahat ng kaniyang utos;
Read full chapter
Mga Awit 135:4
Ang Biblia (1978)
4 Sapagka't pinili ng (A)Panginoon para sa kaniya si Jacob,
At ang Israel na kaniyang pinakatanging (B)kayamanan.
Tito 2:14
Ang Biblia (1978)
14 Na siyang (A)nagbigay ng kaniyang sarili dahil sa atin, (B)upang tayo'y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan, at malinis niya sa kaniyang sarili (C)ang bayang masikap sa mabubuting gawa, upang maging kaniyang sariling pagaari.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978