Add parallel Print Page Options

Mga panginoon, (A)gawin ninyo sa inyong mga alipin ang matuwid, at katampatan; yamang nalalaman ninyo na kayo naman ay mayroong ding isang Panginoon sa langit.

Read full chapter

22 Mga babae, (A)pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na (B)gaya ng sa Panginoon.

23 Sapagka't ang lalake (C)ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas (D)ng katawan.

24 Datapuwa't kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.

25 Mga lalake, (E)ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at (F)ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya;

26 Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis (G)sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig (H)na may salita,

27 Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na (I)maluwalhati, na (J)walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; (K)kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan.

28 Gayon din naman nararapat ibigin ng mga lalake ang kani-kaniyang sariling asawa, na gaya ng kanilang sariling mga katawan. Ang umiibig sa kaniyang sariling asawa ay umiibig sa kaniyang sarili:

29 Sapagka't walang sinoman na napoot kailan man sa kaniyang sariling katawan; kundi kinakandili at minamahal, gaya naman ni Cristo sa iglesia;

30 Sapagka't (L)tayo ay mga sangkap ng kaniyang katawan.

31 Dahil dito'y (M)iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman.

32 Ang hiwagang ito ay dakila: datapuwa't sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at tungkol sa iglesia.

33 (N)Gayon man ay umibig naman ang bawa't isa sa inyo sa kani-kaniyang sariling asawa gaya ng sa kaniyang sarili; at ang babae ay (O)gumalang sa kaniyang asawa.

Mga anak, (P)magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka't ito'y matuwid.

Igalang mo ang iyong ama (Q)at ina (na siyang unang utos na may pangako),

Upang yumaon kang mabuti, at ikaw ay mabuhay na malaon sa lupa.

At, (R)kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi (S)inyong turuan sila ayon sa saway at (T)aral ng Panginoon.

Mga alipin, (U)magsitalima kayo sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon, (V)na may takot at panginginig, sa (W)katapatan ng inyong puso, na (X)gaya ng kay Cristo;

Hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao; kundi bagkus gaya ng mga (Y)alipin ni Cristo, na ginagawa mula sa puso ang kalooban ng Dios;

(Z)Maglingkod na may mabuting kalooban, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao:

Yamang napagaalaman na anomang mabuting bagay na gawin ng bawa't isa, (AA)ay gayon din ang muling tatanggapin niya sa Panginoon, (AB)maging alipin o laya.

At kayong (AC)mga panginoon, gayon din ang inyong gawin sa kanila, at iwan ninyo ang mga pagbabala: yamang napagaalaman na ang Panginoon nila at ninyo ay nasa langit, (AD)at sa kaniya'y walang itinatanging tao.