Add parallel Print Page Options

Pagkatapos ng templo; ang kaban ay ipinasok.

Ganito natapos ang gawaing ginawa ni Salomon sa bahay ng Panginoon. At ipinasok ni Salomon ang mga bagay na itinalaga ni David na kaniyang ama; sa makatuwid baga'y ang pilak, at ang ginto, at ang lahat ng mga kasangkapan, at inilagay sa mga ingatang-yaman ng bahay ng Dios.

Read full chapter

40 (A)At ginawa ni Hiram ang mga hugasan, (B)at ang mga pala, at ang mga mangkok. Gayon tinapos gawin ni Hiram ang lahat na gawa na kaniyang ginawa sa haring Salomon, sa bahay ng Panginoon:

41 Ang dalawang haligi, at ang dalawang (C)kabilugan sa paligid ng mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi; at ang dalawang yaring lambat (D)na nakaligid sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi;

42 At ang apat na raang granada sa dalawang yaring lambat; ang dalawang hanay na granada sa bawa't yaring lambat, upang makaligid sa dalawang kabilugan ng mga kapitel na nasa dulo ng mga haligi;

43 At ang sangpung patungan, at ang sangpung hugasan sa ibabaw ng mga patungan;

44 At ang (E)isang dagatdagatan, at ang labing dalawang baka sa ilalim ng dagatdagatan;

45 At ang mga palyok, at ang mga pala, at ang mga mangkok: sa makatuwid baga'y lahat ng kasangkapang ito na ginawa ni Hiram sa haring Salomon, sa bahay ng Panginoon, ay pawang tansong binuli.

46 Sa kapatagan ng Jordan binubo ng hari, sa malagkit na lupa na nasa pagitan ng Succoth at ng Sarthan.

47 At lahat na kasangkapan ay hindi tinimbang ni Salomon, sapagka't totoong napakarami: ang timbang ng tanso ay hindi makukuro.

48 At ginawa ni Salomon ang lahat na kasangkapan na nasa bahay ng Panginoon: ang ginintong dambana, (F)at ang dulang (G)na gininto (H)na kinaroroonan ng tinapay na handog;

49 At ang mga kandelero na taganas na ginto na lima sa dakong kanan, at lima sa kaliwa sa harap ng sanggunian; (I)at ang mga bulaklak, at ang mga ilawan, at mga pangipit na ginto;

50 At ang mga (J)saro, at ang mga panggupit ng micha, at ang mga mangkok, at ang mga panandok, at ang mga (K)suuban, na taganas na ginto; at ang mga pihitang ginto maging ang sa mga pinto ng bahay sa loob, na kabanalbanalang (L)dako, at ang sa mga pinto ng bahay, sa makatuwid baga'y ng templo.

51 Ganito nayari ang buong gawa ng haring Salomon na ginawa sa bahay ng Panginoon. At ipinasok ni Salomon ang mga bagay na itinalaga ni David na kaniyang ama, ang (M)pilak at ang ginto, at ang mga kasangkapan, at ipinasok sa mga silid ng kayamanan ng bahay ng Panginoon.

Read full chapter