1 Mga Hari 3:9
Ang Biblia (1978)
9 Bigyan mo nga ang iyong lingkod ng isang matalinong (A)puso upang humatol sa iyong bayan, upang aking makilala ang mabuti at ang masama; sapagka't sino ang makahahatol dito sa iyong malaking bayan?
Read full chapter
1 Mga Hari 3:11-12
Ang Biblia (1978)
11 At sinabi ng Dios sa kaniya, Sapagka't iyong hiningi ang bagay na ito, at hindi mo hiningi sa iyo ang mahabang buhay; o hiningi mo man sa iyo ang mga kayamanan, o hiningi mo man ang buhay ng iyong mga kaaway; kundi hiningi mo sa iyo'y katalinuhan upang kumilala ng kahatulan;
12 Narito, aking ginawa ayon sa iyong salita: (A)narito, aking binigyan ka ng isang pantas at matalinong puso; na anopa't (B)walang naging gaya mo na una sa iyo, o may babangon mang sinoman pagkamatay mo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978