1 Cronica 7:2
Ang Biblia (1978)
2 At sa mga anak ni Thola: si Uzzi, at si Rephaias, at si Jeriel, at si Jamai, at si Jibsam, at si Samuel, mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, sa makatuwid baga'y ni Thola; mga makapangyarihang lalaking may tapang sa kanilang mga lahi: (A)ang kanilang bilang sa mga kaarawan ni David ay dalawang pu't dalawang libo at anim na raan.
Read full chapter
1 Cronica 7:4-5
Ang Biblia (1978)
4 At sa kasamahan nila, ayon sa kanilang mga lahi, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, may mga pulutong ng hukbo sa pakikipagdigma, tatlong pu't anim na libo: sapagka't sila'y nagkaroon ng maraming asawa at mga anak.
5 At ang kanilang mga kapatid sa lahat na angkan ni Issachar, na mga makapangyarihang lalaking may tapang, na nangabilang silang lahat, ayon sa talaan ng lahi, ay walong pu't pitong libo.
Read full chapter
1 Cronica 7:7
Ang Biblia (1978)
7 At ang mga anak ni Bela: si Esbon, at si Uzzi, at si Uzziel, at si Jerimoth, at si Iri, lima; mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang, mga makapangyarihang lalaking may tapang; at sila'y nangabilang ayon sa talaan ng lahi, ay dalawang pu't dalawang libo at tatlong pu't apat.
Read full chapter
1 Cronica 7:9
Ang Biblia (1978)
9 At sila'y nangabilang ayon sa talaan ng lahi, ayon sa kanilang lahi, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, na mga makapangyarihang lalaking may tapang, dalawang pung libo at dalawang daan.
Read full chapter
1 Cronica 7:40
Ang Biblia (1978)
40 Ang lahat na ito ay mga anak ni Aser, mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang, mga pili at makapangyarihang lalake na may tapang, mga pinuno ng mga prinsipe. At ang bilang nilang nangabilang ayon sa talaan ng lahi sa paglilingkod sa pagdidigma ay dalawang pu't anim na libong lalake.
Read full chapter
1 Cronica 21:5
Ang Biblia (1978)
5 At ibinigay ni Joab ang kabuuan ng bilang ng bayan kay David. At silang lahat na taga Israel ay (A)labing isang daan libo na nagsisihawak ng tabak: at ang Juda ay apat na raan at pitongpung libong lalake na nagsisihawak ng tabak.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978